Friday, December 4, 2015

High Cholesterol. Hay naku!

1. Kapag tumaas ang level ng taba sa katawan, ang tawag doon ay high cholesterol. 

2. Ang katawan natin ay kailangan ng cholesterol para mag-function ng maayos (sa ating cell membrane, sa pagproduce ng vitamin D, sa hormones, sa pag-produce ng bile acid).

3. Mula sa ating atay, ang taba ay pumupunta sa blood stream sa tulong ng protein.  Kaya ang tawag sa taba na dumadaloy sa ating ugat ay lipoprotein. Sa pagdaloy, pupunta ang lipoprotein sa mga cells na kailangan ito. 

4. Masasabing bad o good cholesterol ang lipoprotein depende kung ano ang silbi nito sa katawan.  

a. Very low density lipoproteins (VLDLs).  Ito ay puno ng cholesterol at triglyceride.  Ang triglyceride ay nakakatulong sa ating cells para sa energy.  Ang sobrang production ng VLDL mula sa atay ay nagiging body fats. Kapag naubos ang triglyceride ng VLDL, ito ay nagiging LDL.  

b. Low density lipoproteins (LDL).  Ang LDL ay dumadaloy papunta sa mga cells na kailangan ng cholesterol. Sa pagdami ng LDL, ang iba ay sumiksik sa wall ng ugat na nasira at sa pagdami ay nagiging fatty material na ang tawag ay plaque. Sa katagalan, pinapasikip nito ang daluyan ng dugo. Kapag sa puso ito nangyari, malaki ang risk ng heart attack. Kapag malapit sa ulo, malaki ang risk ng stroke. Ito ang dahilan kaya tinatawag ang LDL bilang "bad cholesterol".

c. High density lipoprotein (HDL). Ito ay maraming protein at may kaunting cholesterol at triglyceride kumpara sa LDL. Ang HDL ay tumutulong para tanggalin ang sobrang cholesterol sa cells at sa plaque sa ugat. Kaya ang tawag sa HDL ay "good cholesterol".  Ang sobrang cholesterol ay ibinabalik sa atay na siyang nag-aalis nito sa ating katawan.  
(Click here for video presentation

5. Alamin sa iyong doctor kung gaano kadami ang cholesterol na iyong kailangan, depende sa lagay ng iyong kalusugan.

6. Treatment sa mataas na cholesterol: 

a. Kumain ng maraming fruits and vegetables.

b. Iwasan "muna" ang unhealthy fats (saturated fats lalu na ang trans-fats) -- meats, dairy products, processed foods, at tropical oils.  

c. Kumain ng healthy fats (HDL) -- fish, nuts, vegetable oils. 
(Click here for video presentation)
(Nuts everyday)

d. Iwasan ang paninigarilyo.  

e. Magkaroon ng regular exercise.

f. Kapag ang lifestyle change ay hindi nakatulong sa pagbalanse ng cholesterol level, ang doctor ay nagbibigay ng medication depende sa sitwasyon tulad ng statin, niacin, bile acid binding drugs, fibrates, cholesterol absorption inhibitors.

7. Para ma-maintain ang healthy cholesterol:

a. Kumain lamang ng kaunting saturated fat, trans-fat, at cholesterol.

b. Laging mag-exercise.

c. Manage your weight (alamin ang iyong body mass index o BMI)

d. Huwag manigarilyo.




Reference:

Health Education Video: High Cholesterol


Thursday, December 3, 2015

Bukol na hindi kailangang mauwi sa cancer

Ang bukol o tumor ay isang abnormal na pagdami ng cells sa isang bahagi ng katawan kahit hindi kailangan.  Ang benign tumor ay hindi katulad ng malignant tumor na isang cancer.  Hindi ito kumakalat sa kalapit na tissue o sa iba pang bahagi ng katawan.  Ang cancerous tumor ay kumakalat.  Kritikal ang lagay ng benign tumor kapag ito ay nagkaroon ng ugat.  


http://www.bloodjournal.org/content/bloodjournal/110/8/2819/F1.large.jpg?width=800&height=600&carousel=1&sso-checked=true

May iba't ibang uri ng tumor sa iba't ibang bahagi ng katawan.  

Mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng bukol:

1. Environmental toxins, such as exposure to radiation
2. Genetics
3. Diet
4. Stress
5. Local trauma or injury
6. Inflammation or infection

Kung kinakailangan, irerekuminda ng doctor ang operasyon para tanggalin ang tumor.  


Lifestyle Medicine sa pag-treat ng tumor:

1. Ang pagputol ng linya na nagsu-supply sa tumor.  

Ang kritikal ay magkaroon ng ugat ang tumor. Para magkaroon ng ugat, ang tumor ay nagre-release ng angeogenic factor chemical na dahilan ng pagsisimula ng bagong blood vessels papunta sa tumor.  Maaari itong pigilan sa pamamagitan ng phytonutrients na makukuha sa iba't ibang uri ng prutas at gulay (citrus, celery, pepper, strawberry, purple rice, etc.).   

Dahil sa malalim na pagaaral, nagkaroon ng convincing evidence na ang dietary phytoconstituents ay may kakaibang abilidad upang maapektuhan ang tumor angeogenesis (pagsisimula ng ugat ng tumor), at may silbi sa pagpigil at pag-treat ng breast cancer.

2. Ang animal products na ating kinakain ay may N-Glycolylneuraminic acid o Gc at dahil dito ay dinadaya ng cancer ang ating immune system para mag-produce ng Anti-Gc Antibodies na ang resulta ay tumor growth.  Magandang stratehiya na iwasan ang animal products kung may tumor.  Para sa iba, mas mainam na ang umiwas kahit wala pang sign ng tumor.



http://www.nap.edu/openbook/12931/xhtml/images/p2001c3c8g117001.jpg



References:

Benign Tumors: Types, Causes, and Treatments


Breast Cancer Staging

Anti-Angiogenesis: Cutting Off Tumor Supply Lines

Wednesday, December 2, 2015

Bakit nagbabara ang ating mga ugat na nauuwi sa sakit sa puso at stroke?

1. Ang bara sa ugat ay bunga ng pagdami ng fats na sumisiksik sa pagitan ng layers ng ugat.  Ito ang pangunahing dahilan ng cardiovascular disease, kasama na ang stroke at heart attack.

2. Ang kolesterol ay isang natural fat substance na kailangan sa kalusugan.  Pero, ang sobrang kolesterol sa dugo ay nakakasama.  

3. Ang kolesterol ay ginagawa sa liver.  Ito ay buhat sa pagkaing mataas ang saturated fats. 

4. Maraming klase ang kolesterol. 
a. LDL-C - bad cholesterol.  Pinaka-nagdudulot ng atherosclerosis.  
b. HDL-C - good cholesterol.  

5. Mahalagang pataasin ang HDL-C at pababain ang LDL-C sa pag-treat ng high cholesterol.

6. May tatlong layers ang ating ugat (isa sa pinakaloob, sa gitna, at sa pang-labas)


7. Risk factors o mga maaaring makasira ng bahagi ng unang layer ng ugat na nagdudulot ng atherosclerosis:
a. paninigarilyo
b. high blood pressure
c. diabetes
d. high cholesterol

8. Kapag nasira ang bahagi ng unang layer ng ugat, ang bad cholesterol (LDL-C) ay makakapasok sa unang layer.

9. Ang katawan natin ay dumedepensa laban sa bad cholesterol (LDL-C).  May mga macrophages na ina-absorb ang mga bad cholesterol hanggang sa ito ay lumaki at manatili sa bahagi ng layer ng ugat kung saan sumiksik ang bad cholesterol.  

10. Nagiging fatty streaks (mga taba) ang bahagi ng ugat kung saan nangyari ang pagkasira ng unang layer ng ugat at ang natural na defense mechanism ng ating katawan.  Palaki-ito ng palaki hanggang sa ito ay maging plaque na nagiging sanhi ng pagliit ng butas ng dinadaluyan ng dugo.

11. Habang lumiliit ang butas, nahihirapang dumaloy ang dugo.  Dito nagsisimula ang simtomas ng angina.  

12. Ang calcium (buhat halimbawa sa asin) ay pumupunta sa plaque at pinapatigas ito.  Dahil dito, hindi na kayang banatin ang ugat upang lumaki ang butas na pagdadaluyan ng dugo.

13. Ang nangyayaring pressure sa pagliit ng butas kasabay ng daloy ng dugo ay nauuwi sa pagsabog ng capsule covering ng plaque hanggang sa tuluyang mabarahan ang maliit na butas ng ugat.

14. Kapag sa parte ng ulo ang bara, ito ay maaaring magdulot ng stroke.  Kapag sa puso ang bara, heart attack.  

15. Ang bara ay lumalaki sa paglipas ng maraming taon.  

16. Ang ibang tao ay bigla na lang namamatay kahit walang simtomas.  

17. Kapag sa puso ang malalang bara, mananakit ang dibdib (angina).  Kapag sa utak, mild-stroke (stroke kapag sumabog ang plaque).  Kapag sa paa, nagsisimula sa pananakit at nauuwi sa pangangailangang ito ay putulin.

18. Ang atherosclerosis ay maaaring maging sanhi ng panghihina ng layer ng ugat na nauuwi sa aneurysm na kapag sumabog, ang dugo ay kakalat (internal hemorrhage) at ito'y delikado.

19. Tandaan na ang pagtaas ng LDL-C o bad cholesterol ang nakaka-contribute sa cardiovascular disease. 


Click link below for visual presentation...


How cholesterol clogs your arteries (atherosclerosis)

https://www.youtube.com/watch?v=fLonh7ZesKs


Ano ang nangyayari sa mga may type 2 diabetes?

1.  Lahat ng dina-digest ng bituka natin na nagiging glucose o sugar molecules, tulad ng kanin, ay dadaloy papunta sa pancreas.

2.  Sa pancreas, nade-detect ng beta cells ang tumataas na bilang ng sugar molecules.  Para bumaba ang level ng sugar, naglalabas ng insulin ang beta cells sa iyong blood stream.

3.  Habang dumadaloy ang dugo sa ugat, ang insulin at sugar molecules ay lumalabas sa ugat at lumulusot sa tissues hanggang sa iyong body cells. Tumutulong ang insulin para papasukin ang sugar molecules sa body cells upang ito ay magkaroon ng energy at mag-function ng maayos.

4.  Kapag may type 2 diabetes,
a.  Maaaring ang pancreas ay hindi nag po-produce ng insulin.
b.  O kaya'y, ang body cells ay hindi tinatanggap ang sugar molecules.
c.  O kaya'y pareho (a and b)

5.  Kapag may insulin resistance, ang insulin ay hindi makatulong para papasukin ang sugar molecules sa iyong body cells.  Nangyayari ito dahil maaaring ang insulin receptor ay abnormal o nawawala.  Ang resulta nito ay ang pananatili ng sugar molecules sa labas ng iyong body cells.

6.  Dahil dito, ang sugar level ay tumataas.  Ang tawag dito ay hyperglycemia.

7.  Para tulungan ang hyperglycemia, ang pancreas ay naglalabas ng marami pang insulin.  Sa kalaunan, hindi sapat ang inilalabas nitong insulin.

8.  Dahil sa pagtaas ng sugar level (hyperglycemia) at sa kakulangan ng insulin, ito ang magiging mga simtomas:
a. labis na pagkagutom
b. labis na pagkauhaw
c. pagdami ng ihi
d. di maipaliwanag na pagbawas ng timbang

9.  Matagalang simtomas ng type 2 diabetes:
a. madaling mapagod
b. paulit-ulit na infection
c. pagbabago sa paningin
d. kakaibang pakiramdam sa balat (pangingilabot o parang tinutusok)

10.  May 3 delikadong simptomas ang type 2 diabetes na maaaring mauwi sa coma o death.  Tignan sa link sa ibaba.

11.  Iba pang komplikasyon:
a. atherosclerosis
b. blindness
c. neuropathy
d. renal failure

12. Treatment:
a. blood glucose monitoring
b. healthy eating (fruits, vegetables, whole grains, balanced carbs, proteins and fats, minimal high-sugar foods)
c. regular exercise
d. medications as necessary


Click visual presentation link...

https://www.youtube.com/watch?v=OXAe3eOjqCk