Friday, December 4, 2015

High Cholesterol. Hay naku!

1. Kapag tumaas ang level ng taba sa katawan, ang tawag doon ay high cholesterol. 

2. Ang katawan natin ay kailangan ng cholesterol para mag-function ng maayos (sa ating cell membrane, sa pagproduce ng vitamin D, sa hormones, sa pag-produce ng bile acid).

3. Mula sa ating atay, ang taba ay pumupunta sa blood stream sa tulong ng protein.  Kaya ang tawag sa taba na dumadaloy sa ating ugat ay lipoprotein. Sa pagdaloy, pupunta ang lipoprotein sa mga cells na kailangan ito. 

4. Masasabing bad o good cholesterol ang lipoprotein depende kung ano ang silbi nito sa katawan.  

a. Very low density lipoproteins (VLDLs).  Ito ay puno ng cholesterol at triglyceride.  Ang triglyceride ay nakakatulong sa ating cells para sa energy.  Ang sobrang production ng VLDL mula sa atay ay nagiging body fats. Kapag naubos ang triglyceride ng VLDL, ito ay nagiging LDL.  

b. Low density lipoproteins (LDL).  Ang LDL ay dumadaloy papunta sa mga cells na kailangan ng cholesterol. Sa pagdami ng LDL, ang iba ay sumiksik sa wall ng ugat na nasira at sa pagdami ay nagiging fatty material na ang tawag ay plaque. Sa katagalan, pinapasikip nito ang daluyan ng dugo. Kapag sa puso ito nangyari, malaki ang risk ng heart attack. Kapag malapit sa ulo, malaki ang risk ng stroke. Ito ang dahilan kaya tinatawag ang LDL bilang "bad cholesterol".

c. High density lipoprotein (HDL). Ito ay maraming protein at may kaunting cholesterol at triglyceride kumpara sa LDL. Ang HDL ay tumutulong para tanggalin ang sobrang cholesterol sa cells at sa plaque sa ugat. Kaya ang tawag sa HDL ay "good cholesterol".  Ang sobrang cholesterol ay ibinabalik sa atay na siyang nag-aalis nito sa ating katawan.  
(Click here for video presentation

5. Alamin sa iyong doctor kung gaano kadami ang cholesterol na iyong kailangan, depende sa lagay ng iyong kalusugan.

6. Treatment sa mataas na cholesterol: 

a. Kumain ng maraming fruits and vegetables.

b. Iwasan "muna" ang unhealthy fats (saturated fats lalu na ang trans-fats) -- meats, dairy products, processed foods, at tropical oils.  

c. Kumain ng healthy fats (HDL) -- fish, nuts, vegetable oils. 
(Click here for video presentation)
(Nuts everyday)

d. Iwasan ang paninigarilyo.  

e. Magkaroon ng regular exercise.

f. Kapag ang lifestyle change ay hindi nakatulong sa pagbalanse ng cholesterol level, ang doctor ay nagbibigay ng medication depende sa sitwasyon tulad ng statin, niacin, bile acid binding drugs, fibrates, cholesterol absorption inhibitors.

7. Para ma-maintain ang healthy cholesterol:

a. Kumain lamang ng kaunting saturated fat, trans-fat, at cholesterol.

b. Laging mag-exercise.

c. Manage your weight (alamin ang iyong body mass index o BMI)

d. Huwag manigarilyo.




Reference:

Health Education Video: High Cholesterol


No comments:

Post a Comment