Wednesday, December 2, 2015

Bakit nagbabara ang ating mga ugat na nauuwi sa sakit sa puso at stroke?

1. Ang bara sa ugat ay bunga ng pagdami ng fats na sumisiksik sa pagitan ng layers ng ugat.  Ito ang pangunahing dahilan ng cardiovascular disease, kasama na ang stroke at heart attack.

2. Ang kolesterol ay isang natural fat substance na kailangan sa kalusugan.  Pero, ang sobrang kolesterol sa dugo ay nakakasama.  

3. Ang kolesterol ay ginagawa sa liver.  Ito ay buhat sa pagkaing mataas ang saturated fats. 

4. Maraming klase ang kolesterol. 
a. LDL-C - bad cholesterol.  Pinaka-nagdudulot ng atherosclerosis.  
b. HDL-C - good cholesterol.  

5. Mahalagang pataasin ang HDL-C at pababain ang LDL-C sa pag-treat ng high cholesterol.

6. May tatlong layers ang ating ugat (isa sa pinakaloob, sa gitna, at sa pang-labas)


7. Risk factors o mga maaaring makasira ng bahagi ng unang layer ng ugat na nagdudulot ng atherosclerosis:
a. paninigarilyo
b. high blood pressure
c. diabetes
d. high cholesterol

8. Kapag nasira ang bahagi ng unang layer ng ugat, ang bad cholesterol (LDL-C) ay makakapasok sa unang layer.

9. Ang katawan natin ay dumedepensa laban sa bad cholesterol (LDL-C).  May mga macrophages na ina-absorb ang mga bad cholesterol hanggang sa ito ay lumaki at manatili sa bahagi ng layer ng ugat kung saan sumiksik ang bad cholesterol.  

10. Nagiging fatty streaks (mga taba) ang bahagi ng ugat kung saan nangyari ang pagkasira ng unang layer ng ugat at ang natural na defense mechanism ng ating katawan.  Palaki-ito ng palaki hanggang sa ito ay maging plaque na nagiging sanhi ng pagliit ng butas ng dinadaluyan ng dugo.

11. Habang lumiliit ang butas, nahihirapang dumaloy ang dugo.  Dito nagsisimula ang simtomas ng angina.  

12. Ang calcium (buhat halimbawa sa asin) ay pumupunta sa plaque at pinapatigas ito.  Dahil dito, hindi na kayang banatin ang ugat upang lumaki ang butas na pagdadaluyan ng dugo.

13. Ang nangyayaring pressure sa pagliit ng butas kasabay ng daloy ng dugo ay nauuwi sa pagsabog ng capsule covering ng plaque hanggang sa tuluyang mabarahan ang maliit na butas ng ugat.

14. Kapag sa parte ng ulo ang bara, ito ay maaaring magdulot ng stroke.  Kapag sa puso ang bara, heart attack.  

15. Ang bara ay lumalaki sa paglipas ng maraming taon.  

16. Ang ibang tao ay bigla na lang namamatay kahit walang simtomas.  

17. Kapag sa puso ang malalang bara, mananakit ang dibdib (angina).  Kapag sa utak, mild-stroke (stroke kapag sumabog ang plaque).  Kapag sa paa, nagsisimula sa pananakit at nauuwi sa pangangailangang ito ay putulin.

18. Ang atherosclerosis ay maaaring maging sanhi ng panghihina ng layer ng ugat na nauuwi sa aneurysm na kapag sumabog, ang dugo ay kakalat (internal hemorrhage) at ito'y delikado.

19. Tandaan na ang pagtaas ng LDL-C o bad cholesterol ang nakaka-contribute sa cardiovascular disease. 


Click link below for visual presentation...


How cholesterol clogs your arteries (atherosclerosis)

https://www.youtube.com/watch?v=fLonh7ZesKs


No comments:

Post a Comment